^

Metro

Floor manager patay sa holdap

-

MANILA, Philippines - Isang floor manager ng club ang natagpuang patay matapos na umano’y saksakin ng hinihinalang holdaper sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Jimmy Calaguas, 31, binata, empleyado sa Queen’s Castle at residente sa   Gen. Lim St., corner Gen. de Jesus St., Heroes Hills sa lungsod.

Malaki ang paniwala ng pulisya na posibleng nanlaban ang biktima na naging sanhi upang saksakin ito.

Lumilitaw na natagpuan ang bangkay ng biktima ng isang Angelica Ladag sa may Gen. Lim st., ilang hakbang ang layo sa bahay nito ganap na alas-5 ng madaling-araw.

Bago ito, alas-4:30 ng madaling-araw nang umalis sa kanyang pinapasukang Queen’s Castle sa Quezon Avenue, Brgy. Sta. Cruz ang biktima hanggang sa matagpuan itong walang buhay sa nasabing lugar na tadtad ng tama ng saksak sa buong katawan.

Nagkalat ang mga gamit ng biktima sa kalsada na pinani­niwalaan ng awtoridad na iniwan na lamang ng suspek sa kata­rantahan. Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente. (Ricky Tulipat)

vuukle comment

ANGELICA LADAG

BRGY

CRUZ

HEROES HILLS

ISANG

JESUS ST.

JIMMY CALAGUAS

LIM ST.

QUEZON AVENUE

RICKY TULIPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with