^

Metro

Police van 'tinalo' ng 'Bukas Kotse gang'

-

MANILA, Philippines - Maging “marked vehicle” ng pulisya ay hindi pinaligtas ng sina­sabing “Bukas Kotse gang” makaraang pasukin ito at tangayin ang pera at mahahalagang gamit kabilang na ang baril ng tatlong pulis na lumahok sa isang “fun run”, kama­kalawa ng umaga sa Pasay City.

Nakilala ang mga nabiktima na sina PO2 Marvin Vergara, PO1 Rizal Buenavidez at PO1 Romulo Capulungan, pawang naka­talaga sa PNP Special Action Force.

Ayon sa tatlong pulis, lumahok sila sa “fun run” sa Roxas Boulevard at ipinarada ang dala nilang PNP van (SHL-717) sa likod ng isang mall dakong alas-5:30 ng madaling-araw.

Bago umalis, tiniyak nila na nakakandado lahat ng pinto nito at iniwan ang kanilang mga gamit sa loob. Matapos ang fun run, nagbalik na sa kanilang sasakyan ang mga pulis at dito nila natuklasan na bukas na ang gilid ng pintuan ng van at wala na ang kanilang mga gamit. (Danilo Garcia)


vuukle comment

AYON

BUKAS KOTSE

DANILO GARCIA

MARVIN VERGARA

MATAPOS

PASAY CITY

RIZAL BUENAVIDEZ

ROMULO CAPULUNGAN

ROXAS BOULEVARD

SPECIAL ACTION FORCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with