Negosyante tinodas sa harap ng ka-live-in

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang 27-anyos na lalaki makaraang pagbabarilin ng dalawang hinihinalang mga baya­rang “hitman” sa harap ng kinakasama nitong babae, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Patay dahil sa tina­mong iba’t ibang tama ng bala sa katawan ang bikti­mang nakilalang si Rodel Juanillo, ng Bronze St., Pilar Village, ng naturang lungsod.

Agad namang tumakas ang dalawang salarin na inilarawan lamang ng live-in partner ng biktima na si Jocelyn Acacio na naka­suot ng dilaw na polo-shirt, bull cap, at pantalong ma­ ong habang ang isa naman ay nakaitim na t-shirt.

Sa ulat ng pulisya, na­ganap ang krimen dakong alas-7:30 ng gabi sa hara­pan ng bahay ng biktima. Nabatid na kabababa la­mang ni Juanillo sa kan­yang kot­seng Toyota Rav 4 (ZPZ-878) habang na­iwan na­man sa loob si Acacio nang lumapit ang dala­wang sus­pek sa bik­tima at ba­hag­yang kinausap muna ito.

Nagulat na lamang si Acacio nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril hanggang sa maki­tang duguang bumagsak ang live-in partner at ma­bilis na tumakas ang dala­wang salarin. Ayon naman sa isang kapit­bahay ng biktima, una na niyang na­kitang aaligid-aligid ang dalawang sus­pek sa ka­nilang lugar ngunit hindi masyadong pinansin.

Blangko pa naman ang pulisya sa posibleng da­hilan ng naturang pama­maslang dahil sa wala namang maibigay na da­hilan si Acacio na posib­leng motibo sa krimen at wala ring alam na kaaway ng kanyang partner. (Danilo Garcia)


Show comments