^

Metro

Magkaibigan napag-tripan 1 patay, 1 sugatan

-

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng bu­hay sa ospital ang isang binata at kritikal din ang ka­ibigan nito nang pagtripang bugbugin  ng grupo ng ka­lalakihan, na kanilang na­daanan habang papauwi ng bahay, kamakalawa ng gabi,  sa Tondo Maynila.

Kinilala ang nasawing si Reygie Dimalanta, 24, em­pleyado ng Dealco, Vitas,  Tondo, habang su­ga­tan din ang kaibigan nito na si Ronald Demalata, 26, driver. Dalawa sa limang naaresto ay kinilalang sina Arsenio Santos, 19, alyas “Jr.” at Carlo Flores, 22, alyas “Chakoy” mi­yem­bro ng “Sigue-sigue Sputnik” at residente ng nasabing lu­gar na kapwa nakapiit sa Manila Police District (MPD)-Station1.

Tinutugis pa ang iba pang suspek na kinilala lamang sa mga alyas na ‘Jonathan’, ‘Abel’ at isang hindi pa nakilala.

Dakong alas-9:30 ng gabi nang ma­ganap ang pam­bu­bugbog sa mga bik­tima sa ilalim ng tulay ng Rodri­guez malapit sa bahay ng mga biktima.

Nakatambay umano sa lugar ang grupo ng mga suspek nang mapadaan ang dalawang biktima at dahil sa masamang tingin sa kanila ng grupo ay tu­makbo ang dalawa at nang maabutan ay pinagbu­bug­bog.

Nagawa pang ma­ka­takbo ng dalawa subalit mi­nalas na mahu­log sa ilog  si Dimalanta kaya napatay siya sa bug­bog ng grupo habang si Demalata ay na­katakas sa grupo kahit su­gatan at na­ka­hingi ng tulong sa mga barangay tanod. Dalawa lamang ang nakorner ng mga tanod at ang tatlo ay nakatakas. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

ARSENIO SANTOS

CARLO FLORES

DALAWA

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT

REYGIE DIMALANTA

RONALD DEMALATA

SHY

TONDO MAYNILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with