^

Metro

Lola natusta sa sunog

-

MANILA, Philippines – Nalitson ang isang lola makaraang makulong ito ng buhay nang tangkaing balikan at iligtas ang mahahalagang kaga­mitan sa loob ng kanilang nasusunog na bahay, kahapon ng umaga sa Parañaque City.

Nakilala ang nasawi na si Luz Villa­franca, 71. Nabatid na umabot ng halos dalawang oras bago pa nakuha ang bangkay ng matanda sa naabo nilang bahay sa Road 5A, United Parañaque Subdivision (UPS), San Dionisio, Parañaque City.

Ayon sa ulat, dakong alas-10:45 ng umaga nang magsimulang magliyab ang bahay ng pamilya Villafranca kung saan inabot ng halos dalawang oras bago tuluyang naapula ng mga pamatay-sunog ang apoy.

Napag-alaman pa na tanging ang pamangkin lamang ng matanda ang kasama nito sa bahay at wala rin ang una nang mangyari ang nasabing sakuna. 

Ayon naman sa mga kapitbahay ng biktima, una umano nilang nakita ang matanda na nakalabas na sa nasusunog na bahay bagama’t ilang sandali pa ay nakitang pumasok ulit ito at tangkang isalba ang ilan nilang ka­­gamitan. (Rose Tamayo-Tesoro)


vuukle comment

AYON

LUZ VILLA

NABATID

NAKILALA

NALITSON

NAPAG

ROSE TAMAYO-TESORO

SAN DIONISIO

UNITED PARA

VILLAFRANCA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with