^

Metro

Selosong mister hinostage si misis

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines – Sobrang kalasingan at walang tulog sa loob ng 12 oras dagdag pa ang labis na selos sa hinalang may kinalolokohang iba ang misis ang nagtulak sa isang driver para ihostage sa pamamagitan ng kut­silyo ang kanyang asawa sa lungsod ng Quezon kahapon ng umaga.

Sa unang negosasyon na ginawa ng mga ba­rangay opisyal, hindi bumi­bigay sa pagkakahawak ang suspek na si Romy Castillo, 35, habang naka­tutok ang Rambo-type na kutsilyo sa leeg ng kan­yang asawang si Sally sa loob ng kanilang tinutulu­yan sa may 4th floor, MRV Bldg., 11 Pilot Drive, Brgy. Commonwealth, Q.C.

Maging ang mga ka­anak at kaibigan ng suspek ay nakiusap na rin kay Cas­tillo para sumuko, ngunit nagmatigas ito kung kaya tumagal ang pakiki­pagnegosasyon hang­gang sa gamitin na rin ng awto­ridad ang tatlo nitong mga anak, para bumigay ito.

Makalipas ang halos tatlong oras na negosas­yon, pasado alas-9:45 ng umaga ay tuluyang nan­lambot si Castillo at kusang inalis ang pagkakatutok ng kutsilyo sa kanyang asawa saka sumuko sa mga awtoridad.

Ayon kay Supt. Cons­tante Agpaoa, hepe ng Station 6 ng QCPD, labis na selos ang nagtulak kay Castillo upang ihostage nito ang kanyang asawang si Sally dakong alas-6:30 ng umaga.

Kuwento ng isang ba­rangay opisyal sa lugar, bago ang insidente naki­pag-inuman umano si Cas­tillo sa ilang kasama­han kung saan habang nag-iinuman ay nagawi ang kuwentuhan sa biruan patungkol sa asawa nitong nagugustuhan umano ng ibang driver.

Dahil nasa impluwen­sya na ng alak madaling napaniwala ang suspek, dahilan upang magdamag itong uminom ng alak at umuwi sa kanilang bahay kinaumagahan.

Sa kanilang bahay, kinompronta ni Romy ang asawang si Sally kaugnay dito dahilan upang magka­roon ang mga ito ng ma­initang pagtatalo at sa tindi ng pagka-praning ay ku­muha ng patalim saka hinostage ng una ang huli.


vuukle comment

AGPAOA

AYON

BRGY

DAHIL

KUWENTO

MAKALIPAS

QUEZON

RAMBO

ROMY CASTILLO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with