^

School bus niratrat, driver todas

() - July 1, 2009 - 12:00am

MANILA, Philippines – Isang lolo ang na­sawi habang sugatan naman ang kasamahan nitong helper maka­raang paulanan ng bala ng baril ng hindi pa nakikilalang salarin ang minamaneho ng una na school bus sa Quezon City, kahapon ng ma­daling-araw.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director, Chief Supt. Elmo San Diego ang nasawing biktima na si Joel Lumabang, 67 , retired employee at nakatira sa Alvarez St., Brgy. Milagrosa, Proj. 4, Quezon City.

Sugatan naman ang kanyang stay-in helper na si Leo Cortez, 22-an­yos na ginagamot nga­yon sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC).

Base sa report, da­­­kong alas-4:50 ng ma­daling-araw ng ma­ga­nap ang pamamaril sa may Rajah Ma­tanda St., kanto ng Katipunan Ave., QC.

Minamaneho umano ni lolo Joel ang pag- aari nitong school bus kasama ang helper na si Cortez para sunduin ang ihahatid nila sa paaralang mag-aaral at pagsapit sa Katipunan Ave., bigla na lamang su­mulpot ang arma­dong lalaki na naka motor­siklo at walang sabi-sabing pinaulanan sila ng putok ng baril.

Matapos ito ay ma­bilis na tumakas ang suspect.

Agad naman isinu­god sa pagamutan ang mag-amo subalit hindi na naisalba ang buhay ni Lumabang.

Hindi pa matiyak kung ano ang posibleng mo­tibo sa naganap na kri­men. (Angie dela Cruz)


ALVAREZ ST. ELMO SAN DIEGO JOEL LUMABANG KATIPUNAN AVE LEO CORTEZ MEDICAL CENTER QUEZON CITY QUEZON CITY POLICE DISTRICT SHY
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with