Bulok na dormitoryo ipapasara

MANILA, Philippines - Ipasasara na ni Manila City Administrator  Jesus Mari Marzan ang mga bulok at mapa­nganib na dormitoryo na bulok na patuloy pa ring pinauupahan nang mura sa mga estud­yante.

Ayon kay Marzan, hindi maaaring ipagwa­lambahala ang seguri­dad at kapakanan ng mga estudyante na nag­dodormitoryo habang nag-aaral kung hindi naman karapat-dapat pang tirahan ang mga dormitoryo na  nabu­bulok at marumi.

Sinabi ni Marzan na ang kanilang aksiyon ay bunsod na rin ng ginagawang pag-iingat ng  pamahalaang-lun­sod hindi lamang sa mga establisimyento kundi maging sa   mga estudyante  laban sa  AH1N1 virus.

Kadalasan anyang pinamumugaran ng mga lamok at ibang insekto ang mga lu­mang   dor­mitoryo na hindi na na­ipapalinis ng mga may-ari nito.

Ipinaliwanag ni  Mar­zan na sasailalim sa kanilang evaluation at inspeksiyon ang mga dormitoryo upang  ma­laman kung  dapat pa itong  bigyan ng permit o tuluyan nang  ipasara.

Bukod  sa business at sanitation permit, kaila­ ngan ding pumasa ang mga ito sa  fire safety code. (Doris M. Franche)

Show comments