^

Metro

Ginang todas, pulis na anak sugatan sa riding-in-tandem

-

MANILA, Philippines – Isang ginang ang na­sawi habang sugatan naman ang anak na pulis, makaraang paulanan ng bala ng baril ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek ang kanilang ba­hay sa Caloocan City kamakalawa.

Namatay habang gina­gamot sa Nodado Hospital sanhi ng tama ng bala si Remedios Llacona, 51, ng German Village, Bagong Silang ng lungsod na ito. Ino­obserbahan naman sa East Avenue Medical Cen­ter sanhi ng mga tama ng bala sa katawan si PO1 Rodolfo Llacona, 30, ng na­sabing lugar at naka­talaga sa Camp Crame. 

Sa ulat, alas-5:30 ng hapon, sakay ang mga sus­pek ng isang motor­siklong hindi na nakuha ang plaka at tuma­pat sa bahay ng mga biktima. Nagtanong pa ang mga suspek kung sino si Ro­dolfo at nang labasin ng mag-ina ay agad pi­nag­ba­baril ang mga ito.

Matapos ang insidente ay tumakas ang mga sus­pek habang dinala ang mag-ina sa mga nasabing ospital kung saan nagsa­sagawa na nang follow-up ang mga pulis upang ala­min ang motibo ng na­ sabing insidente. (Lordeth Bonilla)


vuukle comment

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

CAMP CRAME

EAST AVENUE MEDICAL CEN

GERMAN VILLAGE

LORDETH BONILLA

NODADO HOSPITAL

REMEDIOS LLACONA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with