^

Metro

Obrero isinalvage, itinapon sa Pasay

-

MANILA, Philippines - Isang obrero na sangkot sa patung-patong na kaso ang pinaslang saka parang hayop na itinapon lamang sa isang es­ki­nita ang bangkay nito, kama­kalawa ng gabi sa Pasay City.

Kinilala mismo ng kaniyang mga kaanak ang biktima na si Rajan Benedicto Cresini, 34, ng Apelo Cruz St., Ma­libay, ng na­banggit na lungsod.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:35 ng gabi nang matagpuan ng security guard na si Felix Malongo, 38, ang bang­kay ng biktima na duguang nakahandusay sa isang bang­keta sa tapat ng binabantayang establismiyento sa E. Rodri­guez St., EDSA, Malibay.

Nabatid na ang biktima ay nagtamo ng anim na tama ng saksak sa dibdib, nakatali ang dalawang kamay sa likuran, may pasak ang bibig at naka­balot ng puting packaging tape ang mukha nito. Bukod sa mga tama ng sak­sak, nakapatong sa dibdib ng biktima ang isang malapad na karatula na nagsa­saad ng “hold-upper ako, huwag ninyo akong tularan.”

Ayon sa isang saksi na iti­natago sa pangalang “Jason”, bago natagpuan ang bangkay ng biktima, isang kulay pulang lumang kotse ang pumarada sa naturang lugar at makalipas ang ilang minuto ay agad na huma­rurot ang naturang sasakyan hanggang sa madiskubre ang bangkay ni Cresini.

Lumalabas naman sa re­kord ng Criminal Investigation & Record Section ng Pasay City Po­lice, ang biktima ay may naka­bimbin na mga kasong robbery & physical injuries noong July 12, 1997; Violation of Revised Penal Code 202 noong January 14, 1999; Threat & BP-6 noong June 11, 2003; Theft and BP6 noong February 23, 2004; Robbery and illegal possession of deadly weapon noong October 26, 2005 at Robbery with multiple serious physical injuries noong August 7, 2007. (Rose Tamayo-Tesoro)


vuukle comment

APELO CRUZ ST.

CRIMINAL INVESTIGATION

FELIX MALONGO

PASAY CITY

PASAY CITY PO

RAJAN BENEDICTO CRESINI

RECORD SECTION

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

VIOLATION OF REVISED PENAL CODE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with