^

Metro

Iniwan ng nobya, guro nagbigti

-

MANILA, Philippines - Isang 30-anyos na guro ang namatay matapos mag­bigti sa loob ng kan­yang tinutuluyang bahay, bunsod umano ng paki­ki­pagkalas ng kanyang nobya, sa Sampaloc, May­nila kahapon ng umaga.

May ilang minuto nang walang buhay nang madis­kubre ang biktimang si George Perea, isang Spe­cial Education teacher sa hindi binanggit na paaralan at residente ng Laong-laan St. Sampaloc.

Isang kapitbahay la­mang ang nakakita sa naka­biting bangkay ng bik­tima sa isang nylon cord kaya natukoy ang pagpa­pa­kamatay nito.

Hindi naman nakapag­bigay pa ng karagdagang detalye ang imbestigador dahil sa pakiusap ng ka­anak na si Vicky Cuyos na huwag nang imbestigahan at ipaawtopsiya ang bang­kay at huwag ding ilantad sa media.

Naniniwala si Cuyos na wala namang foul play dahil ikalawang beses na nag­ tangka ng pagpapa­ka­matay ang biktima na natu­luyan lamang nang iwanan ng nobya matapos ang ilang ulit na pag-aaway.

Ayon pa umano kay Cuyos, madalas nilang pa­yuhan ang biktima na huwag na lamang maki­pag­nobya upang huwag masaktan dahil sa depres­yon kung nagkakaprob­lema sa relasyon. (Ludy Bermudo)


vuukle comment

AYON

CUYOS

GEORGE PEREA

ISANG

LAONG

LUDY BERMUDO

NANINIWALA

SHY

ST. SAMPALOC

VICKY CUYOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with