Serbisyo ng Gat Andres palalawakin

MANILA, Philippines - Upang mas mabigyan ng maayos at mabilis na libreng serbisyong me­dikal ang mga residente ng Maynila, sisimulan na rin ang pagpapalawak ng gusali ng Gat. Andres Bonifacio Medical Center na mayroon tatlong pala­pag na popondohan ng lokal na pamahalaan ng Maynila at donasyon mula sa iba’t ibang sek­tor. Ayon kay Gat. Andres Bonifacio Medical Center Director Dr. Evangeline Morales, nais nilang ma­isakatuparan at makum­pleto ang lahat ng ser­bisyo sa naturang ospital dahil karamihan sa mga dinadala dito ay mga ma­hi­hirap at walang sapat na panggastos. Pinaya­gan siya ni Manila Mayor Alfredo Lim na gamitin sa expansion ang katabing basketball court at ilang bakanteng lugar. (Doris Franche)

Show comments