^

Metro

2 frat member naghamon ng away, niratrat

-

Kritikal ang dalawa sa tat­long frat members makaraang mag-hamon ng away sa ka­nilang katunggaling grupo, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Sugatan bunga   ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan, ang mga biktimang sina Eric Lopez, 19, out-of-school youth, at Ray­mart Villaruel, alyas “Bong” 18, ng nasabi ring lungsod .

Batay sa ulat, dakong alas-10:20 ng gabi nang mang­yari ang nasabing insidente sa E. Reyes St., Road 3, Purok 3, Lower Bicutan, Taguig City.

Nabatid na bago ito, ang dalawang biktima kasama ang kaibigang si Ramon Paloma, 16, residente ng 11 M. Mariano St., Lower Bicu­tan, Taguig City na pawang miyembro ng “Atigo Beta Gang” ay nagtungo sa lugar ng pinangyarihan ng insidente at hinahanap ang mga miyembro ng STB gang.

Nagkataon naman uma­no na isang lalaki na naka-upo sa gilid ng kalye ang pinaghi­nalaang miyembro ng STB gang ang nagta­takbo nang makita ang mga biktima.

Dahil dito, nagsisigaw ang mga biktima at kasama­ han nito at pilit na pinala­labas at hinahamon ng away ang mga miyembro ng STB gang.

 Sa insidenteng ito, isang hindi kilalang lalaki na armado ng baril ang biglang lumabas at pinagbabaril ang nagha­hamon na mga biktima na nag­resulta sa malubhang pagkakasugat ng mga ito. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ATIGO BETA GANG

ERIC LOPEZ

LOWER BICU

LOWER BICUTAN

MARIANO ST.

RAMON PALOMA

REYES ST.

SHY

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with