Estudyante patay sa resbak

Nasawi ang isang bi­na­ tang estudyante maka­ra­ang resbakan ito ng ka­patid ng kanyang unang nakaalitan, kama­kalawa ng gabi sa Taguig City.

Hindi na umabot nang buhay makaraang isugod sa pagamutan ang bikti­mang si   Lejarvery Sorio, 19 at residente ng   Purok 3, Brgy. Lower Bicutan, Taguig City sanhi ng mga saksak na tinamo sa katawan.

Ang suspect naman na nakilalang si Michael Rashid Mama, alyas Fajad, residente ng Kang­kungan St., Purok 3, Brgy. Lower Bicutan, Ta­guig City ay mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen.     

Batay sa ulat ng pu­lisya, dakong alas-9:20 ng gabi nang maganap ang insidente sa Mula­win St., Brgy. Lower Bi­cutan, Taguig City ha­bang ang biktima at ka­ibigan nito ay naglalakad sa naturang lugar nang harangin ito ng suspect at walang sabi-sabing inun­dayan ng mga saksak sa katawan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na ang biktima ay isa sa pinaghihinalaan ng suspect na sangkot sa pambubugbog sa   kapa­tid ng huli na si Jemar Mama na na­ganap noong nakara­ang taon.

Dahil hindi umano ma­tanggap ng suspect na na-agrabyado ang kan­yang kapatid, pinag­higantihan nito ang bik­tima na nagre­sulta sa pag­kasawi nito. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments