^

Metro

Binatilyo nag-suicide sa loob ng sementeryo

- Edwin Balasa -

Isang 16-anyos na lalaki ang umano’y nagpakamatay matapos na laslasin ang kan­yang pulso sa loob ng se­men­teryo at mahulog sa may 60 talampakang taas ng isang rebulto kahapon ng mada­ling-araw sa Marikina City.

Ayon kay Supt. Sotero Ramos Jr., hepe ng Marikina police, inaalam pa nila kung may foul play na naganap sa umano’y pagpapakamatay ng biktimang si Aaron Ramos Tolentino, residente ng Hon­radez St. Sampaloc, May­nila. Patay na ito nang matagpuan sa loob ng Loyola Memorial Park dakong alas-5 ng madaling-araw.

Lumalabas sa imbestigas­yon na nakarinig ng kalabog si Dominador Racorba, 44, maintenance ng nasabing memorial park buhat sa “The Last Supper Shrine” kaya agad niya itong pinuntahan at laking gulat niya nang makita ang duguang biktima sa pa­anan ng rebulto.

Agad na rumisponde ang pulisya sa insidente at sa kanilang ginawang imbes­tigasyon ay lumalabas na may laslas sa kaliwang pulso ang biktima bukod pa sa tinamong pinsala sa pagkakahulog sa mataas na rebulto, habang nakuha katabi ng bangkay nito ang isang kitchen knife na umano’y ginamit sa pag­pa­pakamatay.

Teorya ng pulisya na po­sible umanong umakyat muna sa mataas na rebulto ang biktima bago nito nilas­las ang kanyang pulso at tuluyang nahulog dito.

Isinasailalim naman sa awtop­siya ang bangkay ng biktima upang mabatid kung may foul play na naganap dito habang patuloy ang gina­gawang imbestigasyon para mabatid kung ano ang dahilan ng nasabing suicide.

vuukle comment

AARON RAMOS TOLENTINO

AYON

DOMINADOR RACORBA

ISINASAILALIM

LAST SUPPER SHRINE

LOYOLA MEMORIAL PARK

MARIKINA CITY

SHY

SOTERO RAMOS JR.

ST. SAMPALOC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with