^

Metro

Libu-libo dadagsa sa anti-chacha rali

- Nina Joy Cantos at Rose Tamayo-Tesoro -

Inaasahang libu-libo ang dadalo sa isasaga­wang anti-chacha rally nga­yon araw na ito sa lungsod ng Makati.

Kaugnay nito isinailalim muli sa pinakamataas na alerto ang National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa natu­rang rali. Sinabi ni NCRPO Chief Director Leopoldo Bataoil, maliban sa pag­mo­mobilisa sa Task Force Manila Shield, pupulungin nito ang mga rally orga­nizers upang matiyak ang seguridad sa naturang demonstrasyon.

“The NCRPO is on full alert, we will activate Task Force Manila Shield for anti-cha cha rally. We have enough security prepara­tions,” pahayag ni Bataoil.

Kasabay nito ay may 1, 300 pulis ang idedeploy sa anti-chacha rally upang matiyak ang seguridad sa Makati City.

Inihayag din ng opisyal na sapat ang kapabilidad ng Civil Disturbance Ma­nagement Units na ha­harap sa mga demons­trador at nakahanda rin ang Kampo Crame na mag­padala ng karagda­gang puwersa sakaling kailanganin.

Nabatid na ang kampo ni dating Pangulong Jo­seph “Erap” Estrada o ang Puwersa ng Masang Pili­pino ay magpapadala sa anti-chacha rally ng 5,000 delegado. Bukod sa mga mili­tante at hanay ng sim­ba­han, nagpahayag na rin ang ilang mambabatas bu­hat sa oposisyon na da­dalo sa anti-chacha rally.

vuukle comment

CIVIL DISTURBANCE MA

DIRECTOR LEOPOLDO BATAOIL

KAMPO CRAME

MAKATI CITY

MASANG PILI

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PANGULONG JO

SHY

TASK FORCE MANILA SHIELD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with