Mobile car sinalpok ng van: 2 parak sugatan

Dalawang pulis ang nasugatan nang salpukin ng rumaragasang van ang sinasakyan nilang mobile car kahapon ng madaling araw sa Parañaque City.

Sa lakas ng pagka­kasalpok, umikut-ikot pa ang patrol car na may plakang SJA-558 bago pumailalim ang unahang bahagi sa isang nakapara­dang ten wheeler truck na nagresulta nang matin­ ding pin­sala sa balikat at iba pang parte ng katawan nina SPO2 Zosimo Reyes at SPO1 Roldan Emelo, kapwa 51 at kapwa naka­talaga sa Mobile Unit ng Parañaque Police.

Sumuko naman ang driver ng van na may plakang ZBT-208 na si Ely Jasmin, Jr., 39 ng Moon­bake Inc, at residente ng   San Fernando St., Las Piñas City matapos ang insidente.

Batay sa ginawang pag­sisiyasat, nakipaggit-gitan sa isa pang close van na minamaneho ni Randy Torano, 24 si Jas­min kaya’t hindi niya na­malayan ang biglang pag­liko pa-u turn ng mobile car pagsapit sa Cananay Avenue sa Brgy San Dio­nisio, dakong alas-3 ng madaling araw.

Sinampahan ng ka­song 2 counts reckless imprudence resulting to   physical injuries at damage to property sa piskalya ng Parañaque ang driver na si Jasmin. (Lordeth Bonilla)

Show comments