^

Metro

Holdaper patay sa BF ng hinoldap

-

Nasawi ang isang lalaki, na hinihinalang isang holdaper, nang saksakin ng nobyo ng babaeng umano’y biniktima nito sa Sta. Cruz, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Cen­ter ang sinasabing holdaper na inilarawang nasa gulang na 40-45, may taas na 5’5,” payat, ma­iksi ang buhok, nakasuot ng asul na t-shirt at checkered na short pants, bunsod ng tinamo nitong tama ng saksak sa dibdib.

Pinaghahanap naman ang di nakilalang suspek na inila­rawan namang nasa edad 20 hanggang 22, payat, nakasuot ng puting t-shirt at knee short pants at tumakas matapos ang insidente.

Lumilitaw sa inisyal na pagsisiyasat ng MPD, nabatid na dakong alas-4:30 ng mada­ling-araw nang maganap ang insidente sa kanto ng Remigio at Mayhaligue Sts., sa Sta. Cruz.

Nauna dito, nakita umano ng mga saksi ang nasawi na hinahabol ng suspek sa kaha­baan ng Felix Huertas St., hang­gang sa makorner nito sa na­turang lugar at sinabihang “hinol­dap mo raw ang girlfriend ko.” Nagpahiwatig naman umano ang biktima na wala itong kinalaman sa ibinibintang sa kanya kaya nagtaas ito ng kamay subalit binalewala siya ng suspek at sinaksak ito sa dibdib bago tumakas. (Ludy Bermudo)

vuukle comment

BINAWIAN

CRUZ

FELIX HUERTAS ST.

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CEN

LUDY BERMUDO

LUMILITAW

MAYHALIGUE STS

MAYNILA

NAGPAHIWATIG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with