^

Metro

Nakikipaglamay pinatay

-

Nasawi ang isang mister matapos mabagok ang ulo nito nang sapakin ng kanyang nakaasaran sa lamay ng patay, kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City. 

Hindi na umabot pa ng buhay sa Nodado Hospital sanhi ng pagkabasag ng bungo ang biktimang si John Lacambra, 50, ng Phase 9, Package 6, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Pinaghahahanap naman ng mga pulisya ang suspect na si JV Cile, kapitbahay ng biktima. Batay sa ulat ng pulisya, pasado alas-12 ng madaling-araw nang mangyari ang nasabing insidente habang naglalamay sa namatay na kapitbahay ang biktima at ang suspect nang mag-alaskahan ang mga ito.

Nabatid na unang napikon umano ang suspect at sinapak ang biktima na naging dahilan upang bumagsak at minalas na mabagok ang ulo nito na naging dahilan ng kaniyang agarang kamatayan. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

BAGONG SILANG

BATAY

BIKTIMA

CALOOCAN CITY

CILE

JOHN LACAMBRA

NABATID

NODADO HOSPITAL

PINAGHAHAHANAP

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with