37 'askal' na-rescue

Umaabot sa 37 asong kalye o Askal na naka­takda sanang katayin sa Baguio City ang nailigtas ng mga tauhan ng Philip­pine So­ciety for the Pre­vention of Cruelty to Animals (PS­PCA) mata­pos na masang­kot sa isang vehicular ac­cident ang pinagsakyan sa mga ito sa North Luzon Ex­press­way kamakalawa ng umaga.

Kasalukuyan namang nasa pangangalaga ng PSPCA sa Recto, Maynila ang 20 sa 37 na Askal ma­­­tapos na mamatay at mag­takbuhan ang 17 iba pa nang magkabanggaan ang dalawang sasakyan na kinasasangkutan ng isang Mitsubishi Fuzo Cargo Truck na may pla­kang WCJ-665 na mina­maneho ni Restituto Roxas, 60 at ng isang Nissan Urvan na may plakang PTK-118 na mina­maneho naman ni Chris­tian Medina, 20 ng San Pedro Laguna.

Isa pa sa mga kasama ni Medina na si Ronnie Viray ang namatay ha­bang sumasailalim sa ope­ras­yon.

Ayon kay Edgardo Al­baba, pangulo ng PSPCA, agad silang tinawagan ng pamunuan ng NLEX ma­tapos ang banggaan na nirespondehan ng Traffic Ma­nagement and Safety Department Tollways Ma­nagement dakong alas-6 ng umaga.

Sinabi ni Albaba, na hindi alam ng NLEX na naglala­man ng mga buhay na aso ang nasabing Nis­san Urvan na pinanini­walaan namang dadalhin sa Ba­guio City at doon kaka­tayin upang ibenta.

Iginiit ni Albaba na ma­higpit na ipinagbabawal ang paghuli at pagkatay ng mga asong kalye alin­sunod na rin sa Animal Wel­fare Act. (Doris Franche)

Show comments