^

Metro

Misis nakipaghiwalay sa asawa, kinatay

- Rose Tamayo-Tesoro -

Patay agad ang isang ina ng tahanan maka­raang ataduhin ng sak­sak at gilitan pa sa leeg na parang baboy ng isang hindi pa naki­kilalang salarin sa harap mismo ng kanyang da­lawang taong-gulang na anak kahapon ng ma­daling-araw sa Las Piñas City.

Lumalabas sa pagsi­siyasat ng scene of the crime operatives na ma­higit 30 tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinamatay ng bikti­mang si Janine Garcia bukod pa sa pag­kakalaslas ng leeg nito.

Unang nadatnan ng kanyang ka-live-in na si Eddie Rodriguez, 42, tricycle driver, ang biktima na wala nang buhay sa loob ng kanilang inuupa­hang apartment sa natu­rang lunsod dakong alas-7:00 ng umaga.

Katabi ng bangkay ng ginang ang anak nitong si E.J. na tulala at walang tigil ang palahaw ng iyak matapos masaksihan ang krimen.

May hinala naman si Rodriguez na posibleng ang dating mister ng kanyang ka-live-in na may alyas na “Bong” ang may kagagawan ng kri­men dahil noon pa man ay galit na umano ang lalaki matapos tumanggi ang biktima na makipag­balikan makaraan silang mag­hiwalay may tatlong taon na ang nakararaan at tuluyang makisama sa kanya ang huli.

Sinabi ni Rodriguez na nagpasiya ang kan­yang ka-live-in na maki­pag­hiwalay sa asawa bunga na rin ng madalas na pambubugbog ng lalaki at iniwan pa ang tatlo nilang anak sa pa­ngangalaga ng ginang.

vuukle comment

ANAK

EDDIE RODRIGUEZ

JANINE GARCIA

KATABI

LAS PI

LUMALABAS

PATAY

SHY

SINABI

UNANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with