^

Metro

Biyuda lasog sa trailer truck

-

Agad  na nasawi ang isang 46-anyos na biyuda ma­tapos na mahagip at magulungan  ng trailer truck ka­hapon ng madaling-araw sa lungsod Caloocan.

Nakilala ang nasawi na si Mercedita Vito ng Staging Area, Camia St., Malaria, Tala ng nabanggit na lungsod.

Kasalukuyan namang nakapiit habang iniha­handa ang kaukulang kasong isasampa laban sa driver na si Armando Quileb, 53, ng Moncada, Tarlac City.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng Quirino Highway at Malaria Road, Malaria ng nasabing lungsod.

Nabatid na kasalukuyang tumatawid ang biktima sa naturang lugar nang aksidenteng mahagip ito ng trailer truck na minamaneho ng suspek. Duguan itong bumagsak sa kalsada. 

Matapos nito ay pumailalim pa ang katawan ng biktima na naipit sa hulihang gulong ng tractor na naging dahilan  ng daglian nitong kamatayan habang ang driver ay kusa namang sumuko sa tanggapan ng Caloocan City Traffic Enforcement Unit (CCTEU) North Sector. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ARMANDO QUILEB

CALOOCAN CITY TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

CAMIA ST.

LORDETH BONILLA

MALARIA ROAD

MERCEDITA VITO

NORTH SECTOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with