^

Metro

Biktima ng rape-slay natagpuan

-

Isang babae na pina­ni­ni­walaang biktima ng rape-slay ang na­tagpu­ang na­ka­handusay sa mada­mong lugar sa dulong ba­hagi ng Dios­dado Maca­pagal Blvd., kahapon ng madaling-araw sa Para­ñaque City. Biyak ang bungo at lu­mabas na ang utak ng bik­tima nang ito ay suriin ni PO3 Jhonny Margate ng Criminal Investigation Divi­sion ng Parañaque City Police matapos ma­tag­puan dakong alas-5:30 ng madaling-araw sa natu­rang lugar malapit sa Brgy. Don Galo ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay Margate, hindi pa matiyak kung binaril o pi­nalo ng ma­tigas na ba­gay ang bik­tima na naging sanhi ng pagka­basag ng bungo nito.

Bu­kod naman sa naka­taas hanggang leeg ang suot na bra, naka­baba rin ang suot na maong short pants at panty ng biktima kaya’t pinani­niwalaang hi­nalay muna ito bago pinaslang.

Tinataya namang nasa pagitan ng edad 25-30 ang bik­tima na may taas na 5’3’’– 5’4’’, ma­kinis ang balat na kayu­manggi at may ma­gandang mukha.

Natagpuan din sa tabi nito ang isang pulang hand­­bag na naglalaman lamang ng make-up kit at isang lumang NBI clearance na may pa­ngalang Claribel Agupo, 23, ng Lorenzo dela Paz St., Pandacan, Manila.

Posible ring sa ibang lugar hinalay at pinatay ang biktima at itinapon na lang sa kinatagpuang lugar upang iligaw ang imbes­tigasyon ukol dito. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

CITY POLICE

CLARIBEL AGUPO

CRIMINAL INVESTIGATION DIVI

DON GALO

JHONNY MARGATE

PAZ ST.

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with