^

Metro

Guro ng UE natagpuang patay

-

Isang masusing imbesti­gas­yon ang isinasagawa ngayon ng Manila Police District (MPD) kaugnay sa pagkamatay ng isang faculty member ng Uni­versity of the East (UE) na na­dis­kubreng nangangamoy na ang katawan sa loob ng kan­yang inuupahang kuwarto sa Quiapo, Maynila kamakalawa  ng gabi.

Ang biktima na nakilalang si Joseph Lachica, tinatayang 33-38 anyos, faculty member ng Secondary Laboratory School ng UE at pansamantalang na­nu­nuluyan sa Room 223  #862 Gonzales Puyat St., corner De Guzman St., Quiapo, Manila ay hinihinalang dalawang araw nang patay. 

Batay sa imbestigasyon ni Det. Benito Cabatbat ng MPD-Homicide Section, dakong alas-7:30 ng gabi nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng kanyang kuwarto.  

Ayon kay Danilo Lim, care­taker ng building, huli nitong na­kitang buhay ang biktima noong Hulyo 2 kung saan nag­bayad pa sa kanya ng upa sa kanyang kuwarto.

Gayunman, pinapalagay na buhay pa ang biktima noong hapon ng Hulyo 4, Biyernes  kung saan umalis ang board­mate nito na si Gell, isang secu­rity guard ng UE patungong Pangasinan. Kamakalawa ng gabi, hindi natiis ng iba pang nangu­ngu­pahan sa nasabing building nang nakaamoy sila ng ma­sang­sang na nagmumula sa kuwarto ng biktima.

Naiwanan ding bukas ang pintuan sa kuwarto ng biktima at nang puntahan ng ilang boarders ay tumambad sa ka­nila ang naaagnas nang kata­wan ng biktima. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

BENITO CABATBAT

BIKTIMA

DANILO LIM

DE GUZMAN ST.

GONZALES PUYAT ST.

HOMICIDE SECTION

HULYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with