Pulis binaril ng kabaro

Nasa malubhang kalagayan ang isang pulis makaraang pag­babarilin ito ng kanyang kabaro matapos na magkaroon ng ma­initang pagtatalo dahil sa na­huling tulak ng iligal na droga ka­makalawa ng gabi sa Mari­kina City. Ayon kay Supt. Sotero Ramos Jr., hepe ng Marikina police, bukod sa kasong frus­trated homicide at administra­tibo ay agad nitong inireko­menda ang pagsibak sa tung­kulin ha­bang iniimbestigahan ang kaso laban sa suspek na si PO3 Fer­dinand Brubio, 39, ma­tapos na barilin ng dalawang ulit ang kasamahang si SPO1 Ronald Milla, 31, kapwa naka­talaga sa Station Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Force (SAIDSOTF) na nagtamo ng dalawang tama ng bala sa mukha at leeg at kasalukuyang ginagamot sa Amang Rodri­guez Medical Center.

Sa ulat, naganap ang insi­dente dakong alas-11 ng gabi sa harapan ng Marikina Police Headquarters na matatagpuan sa Brgy. Sta. Elena ng nasabing lungsod matapos magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dala­wang pulis dahilan upang bunu­tin ni Brubio ang kanyang 9mm service firearm at dala­wang beses binaril si Milla.

Lumalabas sa ginawang im­bestigasyon na inggit ang pi­nag­mulan ng nasabing pama­maril ni Brubio kay Milla ma­tapos na maunahang madakip ng huli ang drug pusher na si Eligio Muyco, 29, na matagal na ring tina­trabaho ni Brubio.

Kasalukuyang nakapiit si Brubio sa Marikina detention cell habang patuloy na ini­imbes­tigahan ang nasabing kaso. (Edwin Balasa)

Show comments