^

Metro

Biyudo tinarakan ng karibal, patay

-

Hinihinalang babae ang ugat ng maagang kamatayan ng isang 45-anyos na biyudo matapos na patraydor itong saksakin ng kanyang kapitbahay na karibal niya sa pag-ibig kamakalawa  sa Caloocan City.

Si Salvador Castaneda ng  2700 Magnolia St., Area C, Brgy.  174, Camarin ng nabanggit na lungsod ay hindi umabot ng buhay sa Nodados Hospital sanhi ng tinamo nitong isang malalim na saksak sa kaliwang dibdib at sa kaliwang tenga. Tinutugis naman ng pulisya ang suspek na si Danilo Tiglao, 50, at kapitbahay ng nasawi na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

 Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa harap ng sari-sari store na pag-aari ni Castañeda na mata­tagpuan sa kahabaan ng Magnolia Street, Area C, Barangay 174, Camarin ng nasabing lungsod.

Nabatid na kasalukuyang nakaupo ang biktima at nagpapa­hangin nang biglang sumulpot ang suspek na armado ng patalim at walang babalang inundayan ng saksak si Castaneda sa kaliwang dibdib nito at kaliwang tenga na duguang humandusay.

Matapos nito ay mabilis na tumakas ang suspek sa di-nabatid na direksiyon habang ang biktima ay agarang isinugod sa nasabing ospital subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.

Napag-alaman sa pulisya na bago ang insidente ay nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at suspek hinggil umano sa isang babae na pareho nilang nililigawan na hinihinalang naging dahilan upang mauwi sa madugong komprontasyon sa pagitan ng dalawa.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang isinasagawang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente at inaalam pa rin  ang tunay na dahilan sa pagpaslang dito. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AREA C

DANILO TIGLAO

LORDETH BONILLA

MAGNOLIA STREET

SI SALVADOR CASTANEDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with