Dagdag-pasahe binawi

Sinuspinde ng pamu­nuan ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board ka­hapon ang pagpapa­tupad ng dagdag na P0.50 o P1 sa minimum na pasahe sa mga jeepney at bus.

Ayon kay LTFRB Chairman Thompson Lantion, nagdesisyon silang kanselahin muna ang pagtataas sa pama­sahe sa mga pampub­likong sasakyan mata­pos iutos ni Transportation Secretary  Leandro Mendoza  na busisiing mabuti ang implimasyon nito sa kasalukuyang kahirapan na nararana­san ng taumbayan.

Nakatakda sanang ipatupad bukas ang pag­taas sa pasahe.

Kaugnay nito, humi­ngi naman ng pauman­hin si Mendoza sa natu­rang desisyon dahil nag­sasagawa na anya ang Department of Transportation and Communications ng pag-aaral sa implikasyon nito. Ka­sama na anya dito ang pagbusisi sa usapin ng P2 fuel subsidy at tax exemption  para sa mga spare parts.

Show comments