^

Metro

Magkakaibigan nagpalamig sa ilog: 1 nalunod

-

Nauwi sa trahedya ang masayang paliligo  ng limang kabataan sa isang ilog nang malunod ang isa sa mga ito at matagpuan ang bangkay nito kamakalawa sa Quezon City.

Nakilala ang nasawi na si Jomar Rabeje, 20, ng Florentina St. Nitan Ave., Brgy. Gulod Novaliches, Quezon City.

Sa inisyal na ulat ng pulisya,  naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng hapon  sa may Tullahan River sa likuran lamang ng bahay ng biktima. Nabatid na dahil sa init ng panahon, nag­­pasyang maglangoy ang  biktima kasama ang kanyang pinsan na si Raymor at mga kaibigan nilang sina Jeoffrey, Toto at Archie nang puli­katin ito. Tinangkang isalba ng apat ang biktima pero nabigo ang mga ito  dahil sa lakas na rin ng agos ng ilog.

Narekober ang bangkay ng biktima ganap na ala-1:10 ng hapon kamakalawa sa may bay­bayin ng ilog  sa bahagi ng  Goodwill Subd.-1 Brgy. San Bartolome, Novaliches, ng nabanggit na lungsod. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

BRGY

FLORENTINA ST. NITAN AVE

GOODWILL SUBD

GULOD NOVALICHES

JOMAR RABEJE

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with