^

Metro

Iskuwater sa Karingal kusa nang nagsialis

-

Kusang nagsilisan na ang libu-libong iskuwater sa loob ng Camp Karingal na himpilan ng Quezon City Police District ma­ta­pos na  kusa nilang bak­lasin ang kanilang mga bahay sa higit dalawang ektaryang lupain.

Sinabi ni P/Sr. Supt. Elmo San Diego, Deputy Director for Administra­tion, na wala nang puma­lag sa mga iskuwater nang umpisahan na nilang sirain ang mga bahay at nakiusap na sila na lamang ang mag­gigiba upang hindi masira ang kanilang mga gamit at mapakinabangan pa ang mga kahoy at yero.

Kabilang sa mga ba­hay na winasak ang isang dalawang palapag na tahanan na yari sa kong­kreto na pag-aari ng isang Col. Paguinto, na­ka­talaga rin sa QCPD.  Ayon sa isang tauhan ng QCPD, nakarehistro si Paguinto bilang residente ng San Juan City.

Kasama rin sa wina­sak ang bahay na nagsil­bing quarters ni Supt. Leslie Castillo, ang Camp Commander ng Camp Karingal.

Kinumpirma naman ni San Diego na hindi maka­katanggap ng relokasyon ang mga residente dahil sa karamihan sa mga ito ay mga nagrerenta na lamang sa mga tunay na may-ari ng bahay kaya lumalabas na puro “pro­fes­sional squatters” na ang mga ito.

Binigyan naman ng QCPD ng tig-P3,000 ang mga naninirahang pa­milya kada isang bahay, mga groceries at libreng transportasyon kung saan nila nais dal­hin ang mga gamit sa loob lamang ng Metro Manila. (Danilo Garcia)

vuukle comment

CAMP COMMANDER

CAMP KARINGAL

DANILO GARCIA

DEPUTY DIRECTOR

ELMO SAN DIEGO

LESLIE CASTILLO

METRO MANILA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with