Mekaniko dedo sa sintu-sinto
() - April 2, 2008 - 12:00am

Isang mekaniko ang pi­natay sa saksak ng isang la­laking sintu-sinto habang naglalakad ang biktima ka­ma­kalawa ng gabi sa Calo­ocan City. Nakilala ang na­sawi na si Zaldy Llanes, 41, ng #2456 Fidel St., Ga­gala­ngin, Tondo, Manila. Ma­bi­lis namang nawala ang sus­pek na isa umanong sintu-sinto.

Ayon sa report, dakong alas-8:30 ng gabi nang ma­­ganap ang insidente sa pa­nulukan ng A. Mabini at L. Pula Sts., Brgy. 32, May­pajo ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na naglalakad ang biktima sa naturang lugar nang makasalubong nito ang suspek.

Walang sabi-sabing pi­nagsasaksak ang biktima ng suspek. Ilang saglit at hu­mandusay ang duguang bik­tima, kung kaya’t mabilis na isinugod ito ng mga tanod sa paga­mutan, ngu­nit binawian ito ng buhay habang ginagamot.

Huma­halakhak pa uma­no ang suspect ng lisanin ang lugar dala ang gamit na patalim. (Grace dela Cruz)

AYON BRGY CALO CRUZ FIDEL ST. HUMA PULA STS SHY ZALDY LLANES
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with