^

Metro

Police visibility sa mga korte, iginiit

-

Upang maiwasan ang patuloy na paglala ng mga karahasang nagaganap sa mga hukuman sa Metro Manila katulad ng nangyari kay dating Sapang Dalaga Mayor Rey Yap, inirekomenda ng isang hukom ang pagdadagdag ng police visibility sa mga korte.

Ito ang naging rekomendasyon ni dating SPO4 Jaime Santiago na ngayon ay isa nang hukom sa Manila Regional Trial Court (RTC) sa ginanap na pulong ng mga opisyal ng hudikatura na pinangu­nahan ni Associate Justice Presbitero Velasco Jr.

Kabilang din sa mga dumalo sa pagpupulong ang mga kinatawan buhat sa iba’t ibang mababang hukuman, Korte Suprema, Sandiganbayan, Court of Appeals (CA) at Court of Tax Appeals. Tinalakay sa naturang pagpupulong ang ipatu­tupad na security measures sa mga hukuman ma­tapos ang sunud-sunod na barilan at hostage-taking sa mga korte.

Ayon kay Santiago, ang pagkakaroon umano ng nakatalagang police na magbabantay sa mga korte habang nagkakaroon ng pagdinig ay siyang magiging hadlang sa sinumang nagnanais o nagbabalak na maghasik ng tensiyon at karahasan sa mga korte.

Ang naturang pagpupulong ay ginawa matapos ang pagpaslang kay Yap noong Martes sa loob mismo ng RTC habang dinidinig ang kaso nito. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

ASSOCIATE JUSTICE PRESBITERO VELASCO JR.

COURT OF APPEALS

COURT OF TAX APPEALS

GEMMA AMARGO-GARCIA

JAIME SANTIAGO

KORTE SUPREMA

MANILA REGIONAL TRIAL COURT

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with