^

Metro

2 patay sa sunog

-

Dalawa  katao ang nasawi  matapos  makulong sa apoy, habang  dalawa  naman  ang  nasugatan  sa  naganap  na  sunog  sa  isang pagawaan  ng  puto, kahapon  ng  umaga  sa  Tondo, Maynila. Na­gawa  pang  mailigtas  ng  biktimang si Dodo Cayoca, 39, puto vendor  at  residente  ng  294  Sandico  St.,Tondo, Manila ang kanyang kapatid  na  si Joctan Cayoca, 20  at  ilang  kasamahan pero  hindi  na ito  nakalabas  pa    ng  bumalik   sa  loob  ng  bahay.

Patay  din  sa  sunog  si  Victor Liwanag, 26, puto vendor  at  nangu­­ngupahan  sa nasunog na bahay sa  Sandico  St. Habang dinala naman  sa  Gat  Andres  Bonifacio  Hospital  si  Alex  Mallari, 34;  na  nagtamo  din  ng  sugat  at  paso  sa katawan.

Nabatid   sa  imbestigasyon,  ang sunog ay  naganap  dakong alas-6:04  ng  umaga  sa  pagawaan  ng  puto  sa  tinutuluyang  bahay  ng  biktimang  si  Liwanag na pag-aari  naman  ni  Ricky  Bautista. Ang nabanggit na sunog ay umabot sa  ikalimang  alarma at idineklarang  fireout  dakong  alas 6:27  ng  umaga.

Bago  naganap  ang  sunog, sinasabing  nakarinig muna  ng isang malakas  na  pagsabog  sa  bahay  ni  Liwanag  na  pinagga­gawaan  ng puto at pagkatapos nito ay  mabilis  ng  kumalat  ang  apoy dahil  yari  sa  light  materials  ang  bahay.  Malaki umano ang posibilidad na nagmula sa   sumabog  na  liquefied  petroleum gas (LPG)  ang narinig  ng mga residente dito. Tinatayang  may  P.4  milyon  ang  napinsalang ari-arian  habang  patuloy  pa  rin  nagsasa­gawa  ng  imbestigasyon  ang  Arson Division. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

ARSON DIVISION

DODO CAYOCA

JOCTAN CAYOCA

LIWANAG

SANDICO

ST. HABANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with