‘NBI agent’  timbog sa baril

Inaresto ng mga ta­uhan ng Manila Police District (MPD) ang isang 49-anyos na sekyu na nagpakilalang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa pa­nunutok ng baril sa San Andres Bukid, Manila.

Sumasailalim ngayon sa imbestigasyon sa MPD-Station 6 ang sus­pek na si Felix Esteban, may-asawa, security guard na naka­talaga sa NBI at residente ng Pob­lacion Norte, Ma­yantoc, Tarlac City dahil sa rek­lamo ni Fernando Nunez, 38, may-asawa, company driver ng Pepsi Bottling Corp. ng 163 Apitong St., Samata Village, Las Pinas City.

Ayon kay Supt. Fru­mencio Bernal III, hepe ng MPD-Station 6 (Sta. Ana) dakong 11:30 ng gabi habang minama­neho ng biktima ang kan­yang Pepsi shuttle bus sa kahabaan ng South Superhighway, San An­dres Bukid ng pag­sapit sa Magallanes st., Makati City ay nakagit­gitan nito ang isang dark green na Toyota Revo (WGX 472) na minama­neho ni Jun Sy, 42, negos­yante, ka­sama si Esteban.

Kinompronta ng sus­pek ang biktima at nagpa­kilalang ahente siya ng NBI at tinutukan ng kalibre .38 si Nunez. Sa takot, pina­takbo ng biktima ang kan­yang sasakyan pero sinun­dan pa rin siya ng dalawa.

Nakatawag sa aten­siyon ng mga pulis ng MPD-San Andres Bukid Police Station ang mabilis nilang pagpapatakbo da­hilan para sila sitahin at parahin. Lumilitaw na hindi na­man pala NBI kundi isang sekyu sa NBI si Esteban. Sasam­pa­han si Esteban ng kasong panu­nutok ng baril at grave threat. (Doris Franche)

Show comments