Dalagita nagpatiwakal

Bunga ng tatlong sunod na pagkasawi sa pag-ibig at mabigat na problema, mas pinili ng isang 17-anyos na da­lagita na wakasan na

lamang ang kan­yang buhay sa pama­ma­gitan ng pag-inom ng laman ng isang silver cleaner ka­ma­kalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Mary Johns­tom Hospital ang bikti­mang si Anabelle Relle­ves, isang tindera at resi­dente ng 513 Pavia St., Tondo.

Sa  silid ni Relleves, nakita sa tabi ng kan­yang bangkay ang isang bote ng silver cleaner at isang suicide note na nagsa­saad ng paghingi ng kapatawa­ran sa kanyang pamilya dahil sa kanyang pag­pa­pa­tiwakal. 

Sinasabi umano ni Relleves sa kanyang liham na hindi na niya ma­kayanan ang mga kabi­ guan niya sa pag-ibig.  ­

Nabatid sa isang ka­mag-anak na tatlong be­ses nang nakipagrela­syon si Relleves sa lalaki na pawang mas naka­ka­tanda rito at may asawa na.  

Iniwan ng mga lalaki ang biktima matapos makuha ang nais nila rito.

Nagrerebelde rin umano ang biktima sa kanyang mga magulang dahil sa hindi umano nito nararamdamam ang tunay na pagmamahal. (Grace dela Cruz)

Show comments