^

Metro

Rush!

THE PEPPER MILL - Pepper Teehankee -

Hinihinalang sinadyang itinulak ng kanyang kasa­ma­han ang isang 33-anyos na lalaki na natagpuan ang bangkay na lumulutang sa isang mabahong creek, kahapon ng madaling araw sa bayan ng Navotas.

Nakilala ang biktima na si Jesus Amarro Alfon, alyas Onyok, 33-anyos, may-asawa, at residente ng #201 Bienvinido street , Caloocan City.

Sumasailalim naman sa interogasyon ng pulisya si Eulogio Dalugdog na sina­sabing huling nakitang kasama ng biktima na nag­lalakad at masinsinang nag-uusap bago nakita ang bangkay ni Alfon.

May mga residente rin ang nagsabi na nakita nilang itinulak umano ni Dalugdog ang biktima sa naturang creek sanhi ng pagkakalunod nito.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling- araw nang madiskubre ng mga residente ang bang­kay ng biktima sa creek sa may Lapu-Lapu Ave., Ka­­unlaran Village, Navotas.

Patuloy namang nag­sa­sagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang mabatid ang tunay na naganap at ang motibo ng krimen kung sinadyang itinulak nga ito.  Nakatakda rin namang isailalim sa awtopsiya ang biktima upang mabatid kung may iba pang dahilan ang pag­kamatay nito bago ang pag­kalunod. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALFON

CALOOCAN CITY

DANILO GARCIA

EULOGIO DALUGDOG

JESUS AMARRO ALFON

LAPU-LAPU AVE

NAVOTAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with