^

Metro

Bading sinaksak, kritikal sa lover

-
Nasa kritikal na kondisyon ang isang 25-anyos na bading makaraang bugbugin at saksakin ng gunting ng kanyang lover, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Nakilala ang biktimang si Joseph Isidro, beautician ng #18 Apollo st Aeroville NAIA Pasay City at nilalapatan ng lunas sa San Juan de Dios Hospital sanhi ng mga pasa sa katawan, bali ang kaliwang braso at saksak sa leeg nito. Agad namang tumakas ang suspek na si James M. Casabar, 21, live-in partner ng biktima, tubong Brgy. Olo-Olo Batangas makaraan ang krimen.

Sa isinagawang imbestigasyon ni PO3 Joel Landicho, ng Criminal Investigation Division ng Pasay City Police, dakong ala-1 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng Dream Salon sa mismong tirahan ng biktima. Lumitaw sa pagsisiyasat ng pulisya, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa na humantong naman sa pambubugbog ng suspek sa biktima. Hindi pa nakuntento ang huli ay mabilis na dinampot ang gunting sa tokador at inundayan ng saksak sa leeg ang baklang kinakasama. May hinala ang pulisya na hindi umano nakapagbigay ang nasabing beautician ang naging ugat ng pananaksak ng suspek.

Nagsagawa na ng manhunt operation ang pulisya laban sa suspek. (Angie dela Cruz)

vuukle comment

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DIOS HOSPITAL

DREAM SALON

JAMES M

JOEL LANDICHO

JOSEPH ISIDRO

OLO-OLO BATANGAS

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with