^

Metro

Nagparetoke ng boobs at puwet namatay

-
Isang malalim na imbestigasyon ngayon ang isinasagawa ng Quezon City Police District (QCPD) matapos na dumulog ang mga kaanak ng isang 24-anyos na babae na namatay matapos na magparetoke ng kanyang dibdib at puwet sa isang klinika sa Quezon City.

Kinilala ni SPO2 Jun Mortel, may hawak ng kaso, ang biktima na si Florian Quilang, may-asawa, walang trabaho at residente ng #14 Kalayaan C, Batasan Hills, Quezon City.

Nabatid na nagtungo sa QCPD-Criminal Investigation Division ang kaanak ng biktima na si Rodolfo Quilang na humiling na magsagawa ng imbestigasyon sa pagkamatay ng babae.

Sa salaysay nito, nagtungo ang biktima kasama ang kaibigan na si Rosalina Ramirez sa Nenette Lim Rejuvenating and Skin Firming Clinic sa Castillo St., Proj. 4, Quezon City nitong nakaraang Sabado upang magpadagdag ng laki ng dibdib at puwitan.

Nagreklamo na umano ito ng pagkahilo at nagsuka matapos na turukan ng isang uri ng gamot kaya itinigil ang proseso. Nang pauwi na ng bahay, inatake ng matinding sakit ng ulo ang biktima kaya isinugod sa Far Eastern University Hospital ngunit namatay noong Marso 3 ng umaga.

Nakatakdang ipatawag ng pulisya ang may-ari ng naturang klinika habang nais din ng pulisya na kumuha ng rekord sa ospital ng biktima sa sanhi ng kamatayan nito upang maresolba ang kaso. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BATASAN HILLS

CASTILLO ST.

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

DANILO GARCIA

FAR EASTERN UNIVERSITY HOSPITAL

FLORIAN QUILANG

JUN MORTEL

KALAYAAN C

NENETTE LIM REJUVENATING AND SKIN FIRMING CLINIC

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with