^

Metro

‘Aswang’ kinatay sa Maynila

-
Hinihinalang droga ang dahilan ng pagpaslang sa isang babae na pinagsasaksak sa loob ng Islamic Center sa San Miguel, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Nakilala lamang ang biktima sa alyas na "Aswang", nasa pagitan ng 30-35 anyos, nakasuot ng itim na t-shirt at pulang shorts, may tattoo sa dibdib na scorpion.

Nakuha sa posesyon nito ang isang maliit na plastik na pakete na may bakas ng puting pulbos na hinihinalang shabu at isang lighter sa loob ng bra nito.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1 ng madaling-araw nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa Marayag St. Islamic Center.

Nabatid na isang malalim na saksak ng patalim sa kaliwang tagiliran ang sanhi ng kamatayan ng biktima na nakahandusay sa kalsada.

Blangko naman ang pulisya sa pagkakakilanlan sa nasawi at kung sino ang posibleng pumaslang dito.

Ayon sa pulisya, mistulang normal na sa mga residente sa Islamic Center ang patayang nagaganap sa kanilang lugar dahil sa talamak na sindikato ng droga.

Kalimitang mga dayo sa Islamic Center na kumukuha ng droga o kaya ay mga pinaghihinalaang asset ng pulisya ang kalimitang natatagpuang patay na kagagawan ng sindikato. (Danilo Garcia)

ASWANG

AYON

BLANGKO

DANILO GARCIA

HINIHINALANG

ISLAMIC CENTER

KALIMITANG

MARAYAG ST. ISLAMIC CENTER

MAYNILA

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with