^

Metro

25-anyos niratrat sa harap ng live-in-partner, patay!

-
Sabog ang ulo ng isang 25-anyos na lalaki matapos na pagbabarilin ng tatlong kalalakihan habang masayang nakikipag-kuwentuhan sa kanyang live-in partner at isang kaibigan sa Malabon City kamakalawa.

Namatay noon din ang biktimang si Conrado Que, binata, fishporter ng Block 10, Lot 12, Hernandez St., Brgy. Catmon sa lungsod bunga ng dalawang tama ng punglo sa ulo.

Naganap ang insidente alas 5:30 ng hapon sa may Hernandez St., Peoples Village. Nabatid na kasalukuyan umanong nakikipag-usap ang biktima sa kanyang live-in partner na si Leveriza Caluag at kaibigang si Jovito Red Sr. sa loob ng isang nakaparadang owner nang bigla na lamang sumulpot ang tÿÿatlong di-kilalang suspect na armado ng ‘mga baril at saka pinagbabaril ang biktima bago tuluyang nagsitakas. (Ellen Fernando)

vuukle comment

BRGY

CONRADO QUE

ELLEN FERNANDO

HERNANDEZ ST.

JOVITO RED SR.

LEVERIZA CALUAG

MALABON CITY

PEOPLES VILLAGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with