^

Metro

Mag-asawa patay sa aksidente

-
Patay ang mag-asawa makaraang bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa nakaparadang sasakyan sa may Roxas Boulevard sa Parañaque City, kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang mga nasawi na sina Mark Arthur de Villa, 26; at asawa nitong si Edith, 29, kapwa residente ng 173 Real St., Pulang-lupa, Las Piñas.

Nabatid na nagtamo ng malubhang pinsala sa kanilang mga katawan at ulo ang mag-asawa. Si Mark Arthur na siyang nagmamaneho sa motorsiklo ay namatay noon din, habang si Edith naman ay nasawi habang isinusugod sa pagamutan.

Napag-alaman na ang mag-asawa ay lulan sa kanilang motorsiklo dakong ala-1:20 ng madaling araw pauwi sa kanilang tahanan nang bigla na lamang itong mawalan ng kontrol at bumangga sa isang Mitsubishi Fuso Canter na may plakang RDH-233 na naka-park sa may south-bound lane ng Roxas Boulevard sa Brgy. Tambo.

Ang Canter na isang service vehicle ng Meralco ay nakahimpil sa naturang lugar dahil sa may ginagawang repairs sa ilang electrical posts sa area.

Ang driver ng naturang service vehicle ay boluntaryong sumuko sa mga awtoridad. (Rhodina Villanueva)

vuukle comment

ANG CANTER

BRGY

LAS PI

MARK ARTHUR

MERALCO

MITSUBISHI FUSO CANTER

REAL ST.

RHODINA VILLANUEVA

ROXAS BOULEVARD

SI MARK ARTHUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with