^

Metro

Bebot tinadtad ng bala sa ulo

-
Tadtad ng tama ng bala ng baril sa ulo ang bangkay ng isang babae na natagpuan kamakalawa ng gabi sa Querzon City

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin kung ano ang posibleng motibo sa pagpaslang sa biktimang nakilalang si Efigyne Buenaobra, 30, residente ng Feria Compound, Pook dela Paz, Brgy. Old Balara, ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas- 11:45 ng gabi nang matagpuan ng isang Rolando Rivera sa Liwanag St. Brgy. Old Balara ang biktima na nakahandusay at naliligo sa sariling dugo.

Agad niyang tinignan ang biktima at nakita niyang tadtad ito ng tama ng bala ng baril sa ulo kung kaya’t agad siyang humingi ng tulong sa pulisya.

Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa krimen, gayunman tinitingnan pa rin ng mga awtoridad kung ang nasawi ay biktima ng panghoholdap o di kaya ay may kinalaman sa anggulo ng droga. (Doris Franche)

vuukle comment

AYON

BRGY

DORIS FRANCHE

EFIGYNE BUENAOBRA

FERIA COMPOUND

INAALAM

LIWANAG ST. BRGY

OLD BALARA

QUERZON CITY

ROLANDO RIVERA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with