Police asset, inutas

Isang pinaniniwalaang police asset ang binaril at napatay ng mga hindi pa nakikilalang suspect, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Dead on-the-spot ang biktima na nakilala lamang sa pangalang "Poks" sanhi ng tinamong tatlong tama ng bala ng baril sa katawan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi sa Lanao St. Muslim compound, Brgy. Culiat, Quezon City.

Nabatid naglalakad ang biktima nang bigla na lamang akbayan ng isang lalaki at saka pinaputukan ng tatlong ulit. Tinamaan ito sa ulo at katawan.

Mabilis namang tumakas ang suspect matapos ang pamamaril habang nagsasagawa naman ng follow up investigation ang pulisya upang malaman ang tunay na motibo. Kinukumpirma rin ng pulisya kung may kaugnayan ang pamamaslang sa umanoy pagiging police asset nito. (Doris M. Franche)

Show comments