^

Metro

Lalaki, lasog sa dump truck

-
Patay ang isang 40-anyos na  lalaki nang masagasaan at kaladkarin  ng may 15 metro ang layo ng isang dump truck habang ito’y pasuray-suray na tumawid sa lansangan kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.

Sabog ang bungo ng biktimang si Roberto Mozo, tubong Rosario, La Union at residente ng MB-1 Rm. 405, Pamayanan Diego Silang, BCDA, Brgy. Ususan sa naturang lungsod.

Sa pagsisiyasat ni SPO2 Pedro Sententa ng Taguig City Traffic Enforcement Unit, lasing ang biktima habang tumatawid sa kahabaan ng C5 Road sa harap ng Heritage Park dakong alas-2 ng madaling-araw at masagasaan ng Isuzu dump truck na may plakang XBC-371, na minamaneho ni Jenny De Guzman, 36, ng Brgy Rizal, San Guillermo, Isabela.

Galing umano ang dump truck na nakarehistro sa BSP & Co. Inc. sa Angono patungong Cavite nang maganap ang insidente.

Sumuko naman kaagad ang driver na si De Guzman at ikinatwiran na hindi niya namalayan ang pagtawid ng biktima kaya’t nakaladkad pa ng malayo ang nasawi bago niya naihinto ang minamanehong trak.

Kasong reckless imprudence resulting to homicide ang isasampa laban kay De Guzman samantalang pananagutin naman sa kasong sibil ng pulisya ang may-ari ng naturang dump truck. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BRGY RIZAL

DE GUZMAN

HERITAGE PARK

JENNY DE GUZMAN

LA UNION

LORDETH BONILLA

PAMAYANAN DIEGO SILANG

PEDRO SENTENTA

ROBERTO MOZO

SAN GUILLERMO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with