^

Metro

Taxi driver tinuluyang patayin sa loob ng pagamutan

-
Matapos na mabuhay sa una nilang pagtatangka, tinuluyan nang paslangin ng tatlong suspect ang isang taxi driver nang pagsasaksakin ito sa loob ng pagamutan sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Tadtad ng saksak sa katawan ang biktimang nakilalang si Rommel Francisco, 30, ng Gagalangin, Tondo nang madiskubre ng kanyang asawa na si Rochelle sa loob ng Room 529 ng Metropolitan Hospital.

Kinilala naman ng mga awtoridad ang mga suspect sa krimen sa mga alyas na Baluto, Jessie at Ongkit. Sila ay kasalukuyan nang pinaghahanap ng mga awtoridad.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:20 ng madaling-araw sa nabanggit na pagamutan.

Lumilitaw na bago naganap ang pamamaslang, unang na-confine si Francisco sa nasabing pagamutan matapos na mabaril ng mga suspect sa kaliwang tainga noong Disyembre 10,2006 sa N. Dominga St., Vito Cruz, Malate, Maynila sa hindi pa mabatid na dahilan.

Ginamot ito sa naturang pagamutan at doon nagpapagaling.

Kahapon ng madaling-araw sinasabing nagising na lamang si Rochelle at nakitang duguan ang asawa at tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Hindi na nagawa pang maisalba ng mga manggagamot ang buhay nito.

Malaki ang paniwala ng pulisya na posibleng nakasalisi ang mga salarin at hindi ito napansin ng asawa ng biktima na noon ay mahimbing na natutulog.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BALUTO

BATAY

DANILO GARCIA

DISYEMBRE

DOMINGA ST.

MAYNILA

METROPOLITAN HOSPITAL

ROMMEL FRANCISCO

VITO CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with