^

Metro

2 obrero natabunan ng lupa

-
Sugatan ang dalawang obrero makaraang matabunan ang mga ito ng gumuhong lupa mula sa isang construction site, kahapon ng madaling-araw sa Marikina City. Agad namang nailigtas ng rescue 161 ng lungsod at dinala sa Amang Rodriguez Medical Center ang mga sugatang biktima na sina Renato Cober, 35, ng Brgy. San Andres, Cainta Rizal at Diosdado Francisco, 44, ng Hillside Road, Rodriguez Rizal.

Batay sa ulat, naganap ang insidente alas-12:10 ng madaling-araw, habang ang mga biktima ay kasalukuyang naka-duty sa isang ginagawang mall sa kahabaan ng Marcos Highway, Barangka, Marikina City. Nabatid na bigla na lamang gumuho ang lupa sa ginagawang pundasyon ng gusali at matabunan ang mga biktima. Pinalad namang may nakakita sa nasabing insidente kung kaya’t agad na nailigtas ang mga ito. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

CAINTA RIZAL

DIOSDADO FRANCISCO

EDWIN BALASA

HILLSIDE ROAD

MARCOS HIGHWAY

MARIKINA CITY

RENATO COBER

RODRIGUEZ RIZAL

SAN ANDRES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with