^

Metro

Pulis, 2 holdaper patay sa shootout

- Angie dela Cruz, -
Isang pulis at dalawang holdaper ang pawang nasawi matapos ang engkuwentrong naganap sa isang checkpoint, kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Nasawi noon din si PO2 Francisco Pangilinan, 28, nakatalaga sa Las Piñas Police at ang isa sa mga suspect na nakilalang si Reynaldo Mendoza. Isa pang hindi nakikilalang suspect ang nasawi sa pagamutan.

Samantala, ang pangatlo sa mga suspect ay mabilis namang nakatakas.

Sa inisyal na imbestigasyon, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi malapit sa isang sangay ng 7-Eleven sa panulukan ng Alabang-Zapote at Pilar Roads, Brgy. Almanza 1 ng nabanggit na lungsod.

Nagsasagawa umano noon ng checkpoint ang biktimang si PO2 Pangilinan kasama si PO2 Gregorio nang mamataan ang tatlong suspect na nakatakdang mangholdap at nang sisitahin na ang mga ito ng mga pulis ay biglang bumunot ng baril ang isa sa mga ito at pinaputukan si PO2 Pangilinan. Dito na nagsimulang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril hanggang sa bumulagta ang nasawing parak at isa sa mga holdaper.

Nakatakas ang isa sa mga suspect matapos na mangarnap ng isang taxi. Tinangka itong habulin ni PO2 Gregorio subalit mabilis na itong nakatakas.

vuukle comment

ALABANG-ZAPOTE

ALMANZA

BRGY

FRANCISCO PANGILINAN

GREGORIO

LAS PI

PANGILINAN

PILAR ROADS

REYNALDO MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with