^

Metro

Indian national patay sa ambush

-
Agad na nasawi ang isang 48-anyos na Indian national, habang malubha namang nasugatan ang isa pang kasamahan nito makaraang tambangan at ratratin ng walong armadong kalalakihan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Namatay noon din sa mismong pinangyarihan ng krimen ang biktimang si Rajesh Kumar, residente ng 521 Fortune Village, Valenzuela City, kasalukuyan namang inoobserbahan sa intensive care unit (ICU) ng Manila Central University (MCU) Hospital ang kasamahan ng una na si Khals Diwan, Sikh ng Indian Temple at residente ng 1004 Howard Tower Condominium, 6th Avenue, Caloocan City.

Batay sa isinagawang imbestigasyon nina SPO1 Ferdinand Sarmiento at Felipe Woo, kapwa may hawak ng kaso, dakong alas-6:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Susano St., 6th Avenue Grace Park, Caloocan City.

Nabatid na lulan ang mga biktima ng isang kulay pulang Honda CRV na may plakang XHZ-488 at habang tinatahak ang nabanggit na lugar ay bigla na lamang silang hinarang ng walong armadong kalalakihan at halos sabay-sabay na niratrat ang sasakyan ng mga biktima.

Batay sa pahayag ng ilang mga saksi na bagamat sugatan ay nagawa pang makalabas ng sasakyan ni Kumar subalit nilapitan pa ito ng ilan sa mga suspect at lalo pang nirapido sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Narekober sa isinagawang ocular inspection ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ang may 24 na basyo ng cal. 45, sampung slugs at dalawa pang live ammos caliber. 45 na baril.

Kasalukuyan namang inaalam ng pulisya ang motibo sa isinagawang pagpaslang. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AVENUE GRACE PARK

BATAY

CALOOCAN CITY

FELIPE WOO

FERDINAND SARMIENTO

FORTUNE VILLAGE

HOWARD TOWER CONDOMINIUM

INDIAN TEMPLE

KHALS DIWAN

MANILA CENTRAL UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with