^

Metro

Truck na bumangga kay Denver Razon, malinis

-
Malinis umano ang 10-wheeler truck na nakabangga sa sasakyan ng anak ni Darius Razon na si Denver na ikinamatay nito at ikinasugat ng kaibigan nitong si Marian Bustillos ng MRC St., St. Martin Village, Talipapa, Quezon City.

Ayon sa pulisya, masusi nilang sinisiyasat ang sasakyan ng mga biktima na Honda Civic na may plakang WAJ-920 at ang sinasabing nakabanggang truck na PLY-743 na minamaneho ng suspect na si Eunice Siazon.

Nabatid na ipinasailalim ang truck sa imbestigasyon upang malaman ang mga posibleng tama ng nito at ng kotse matapos na lumitaw ang isang saksi na taxi driver na nakakita umano kung paanong binangga ng truck ang kotse ng mga biktima.

Subalit ayon sa mga awtoridad, wala silang nakitang mga palatandaan na nagkabanggaan ang truck at sasakyan ng mga biktima tulad ng alegasyon ng saksi.

Si Siazon ay kasalukuyang nakapiit sa Traffic Sector ng Camp Karingal matapos na ituro ng saksi na responsable sa insidente. Naganap ang madugong aksidente dakong ala-1:36 ng madaling araw noong Miyerkules sa kahabaan ng Araneta Avenue matapos umanong dumalaw sa lamay ang mga biktima. (Doris Franche)

vuukle comment

ARANETA AVENUE

CAMP KARINGAL

DARIUS RAZON

DORIS FRANCHE

EUNICE SIAZON

HONDA CIVIC

MARIAN BUSTILLOS

QUEZON CITY

SI SIAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with