Paslit patay sa bugbog, itinapon sa simbahan
March 3, 2006 | 12:00am
Isang babaeng paslit na tinatayang nasa isa hanggang dalawang taong gulang ang natagpuang patay at saka iniwan sa gilid ng simbahan sa Parañaque City, kahapon ng umaga.
Habang isinusulat ang balitang ito, patuloy na inaalam ng pulisya ang pangalan ng nasawing paslit at kung sino ang mga magulang nito.
Nakitaan ang bata ng mga pasa sa mukha at ibat ibang bahagi ng katawan, kaya malaki ang paniwala ng pulisya na namatay ang paslit sa bugbog.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-6:30 ng umaga nang matagpuan ang walang buhay na paslit na nakabalot sa kumot at saka iniwan sa gilid ng St. Andrews Church sa Quirino Avenue, Brgy. La Huerta, Parañaque City.
Sinabi ng isang testigo na bago matagpuan ang bata, nakita niya ang isang mag-asawa na nagtatalo sa gilid ng simbahan.
Matapos ang misa ay nagkagulo na ang mga tao nang makita ang bata na nakabalot sa kumot at patay na.
Posible umano na may kinalaman ang mga magulang ng paslit na maaaring natakot sa kinahinatnan ng bata o di kaya ay walang panggastos sa libing nito.
Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang pulisya hinggil sa naturang insidente. Nakalagak ang bangkay ng paslit sa Becena Funeral Homes sa nabanggit na lungsod.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
June 15, 2024 - 12:00am
June 15, 2024 - 12:00am