^

Metro

Musician todas sa pulis-Maynila

-
Isang bagitong pulis-Maynila ang inaresto matapos na mabaril at mapatay ang isang musician habang nasa kainitan ng pagtatalo sa trapiko, kamakalawa sa Tondo.

Nakilala ang pulis na si PO1 Joel Pelayo, 26, nakadestino sa SOCO ng Manila Police.

Habang ang biktima ay nakilala namang si Richard Bryan Cruz, 23, ng 2604 ng Juan Luna St. Tondo.

Base sa isinagawang imbestigasyon lulan ang biktima sa isang bisikleta nang muntikan na nitong makabangga ang pulis na lulan naman sa scooter sa panulukan ng Pampanga at Juan Luna Sts. sa Tondo dakong alas-3:20 ng hapon.

Nagkaroon umano ng pagtatalo sa pagitan ng suspect at biktima. Kinuha umano ng pulis ang kanyang pitaka sabay pakita sa badge at saka isinampal sa mukha ng biktima. Pagkatapos ay bumunot ito ng baril at saka ipinutok sa biktima.

Nagtangka pang makatakbo ng biktima sa kabila na tinamaan ito sa kamay subalit tuluyan na itong tumumba kung saan patuloy pa rin itong binaril ng suspect.

Mabilis na isinugod sa pagamutan ang biktima subalit hindi na ito umabot nang buhay, habang ang suspect naman ay agad na nadakip ng mga nagrespondeng tauhan ng pulisya.

Inihahanda na ang kasong murder laban sa suspect na pulis. (Nestor Etolle)

vuukle comment

BIKTIMA

HABANG

INIHAHANDA

ISANG

JOEL PELAYO

JUAN LUNA ST. TONDO

JUAN LUNA STS

MANILA POLICE

NESTOR ETOLLE

RICHARD BRYAN CRUZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with